Mahigit 200 Farmers sa isang Barangay, Tumanggap ng Libreng Binhi at Abono

Cauayan City, Isabela- Sinimulan nang ipamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan sa ilang barangay ang libreng binhi para sa mga magsasaka sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng pamahalaan.

Ayon kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, tatanggap ng inisyal na apat (4) na bags ng libreng binhi ang nasa mahigit 200 farmers beneficiaries sa Brgy. Marabulig 2 matapos ang pagpapatala ng mga ito sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng ahensya.

Dagdag pa ni Alonzo, tatlong (3) ektarya ng lupain bawat magsasaka sa ngayon ang sakop ng pamimigay ng libreng binhi ng pamahalaan.


Paliwanag pa nito na walang pinipiling estado ng pamumuhay ng isang magsasaka dahil ang mga maaayudahan nito ay ang mga nakapagpatala sa ilalim ng RSBSA ng ahensya.

Giit ng opisyal, may nakalaan na area allocation sa siyudad na nasa kabuaan na 6,753 o katumbas ng 13,506 na sako ng libreng binhi para sa mga magsasaka.

Maliban sa binhi,mamimigay din ng libreng abono o katumbas ng dalawang (2) sako para sa mga magsasaka na 1 ektarya ang taniman at ito ay bahagi rin ng “Plant, Plant Plant Program” ng Department of Agriculture.

Sa kabila nito may nakalaan din na hybrid seeds sa ilalim ng Hybridization Program na 1,700 na ektarya para sa mga magsasaka sa siyudad.

Facebook Comments