Mahigit 200 libong serbisyong pangkalusugan, naibahagi ng PNP

Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), mahigit 200 libong pangkalusugan ang naipamahagi mula noong Agosto 26 hanggang Oktubre 7, taong kasalukuyan.

Ito ay sa ilalim ng Morale and Welfare na bahagi ng PNP Focus Agenda.

Kung saan nakapagbigay ang PNP Health Service ng medical ,dental at mental services sa mga pasyente na binubuo ng PNP personnel, dependents at mga sibilyan.

Ayon kay acting Chief PNP Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., tinitiyak nila ang mga mga kapulisang naapektuhan din ng nagdaang kalamidad ay mananatiling malusog mapapisikal man o mental.

Samantala, patuloy ang pagbibigay serbisyo ng PNP Health Service para sa matatag at ligtas na komunidad.

Facebook Comments