Mahigit 200 na tablets, napamahagi na ng Office of the Vice President sa limang pampublikong paaralan

Naihatid na ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo ang 220 na tablets na gagamitin ng mga pampublikong paaralan para sa pagbubukas ng klase na magsisimula na bukas.

Ang mga naturang tablets ay natanggap ng limang public schools sa tatlong probinsya ito ay ang Don Mariano Marcos Elementary School at Loakan Elementary School sa Baguio City; Yagyagan Elementary School sa Benguet at Madapdap High School at Sitio Target Integrated School sa Pampanga.

Sa Facebook post ni VP Leni, sinabi nito na ang ganitong programa ay bahagi sa “Bayanihan E-skwela” na layong makatulong sa mga pamilya at mga guro sa makabagong pamamaraan ng pag-aaral.


Aniya, malaki ang pasasalamat ng Office of the Vice President (OVP) dahil naging matagumpay itong programa ay dahil din sa tulong ng mga pribadong sektor.

Facebook Comments