Dating PhilHealth Chief Ricardo Morales, bigo umanong ipatupad ang isang resolusyon sa pagbibitiw ng ilang opisyal

211

Nilinaw ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at CEO Atty. Dante Gierran ang inilabas nilang memorandum para sa paghahain ng courtesy resignation ng ilang mga opisyal ng ahensiya.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gierran na ang naturang memorandum para sa mga opisyal na mayroong salary grade 26 ay alinsunod sa PhilHealth Board Resolution noong nakaraang taon na bigong ipatupad ng dating pinuno na si Retired Brigadier General Ricardo Morales.

Dagdag pa ni Gierran, alinsunod din ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang ahensiya para masigurong tapat ang kanilang hanay.

Matatandaang una nang sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman sina Morales at ilan pang mga opisyal kaugnay sa kontrobersiyal na pagpapatupad ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM).

Facebook Comments