MAHIGIT 200 PAMILYA SA ISABELA AT CAGAYAN, TUMANGGAP NG P50,000 EACH

Cauayan City, Isabela- Kabuuang 333 na mga benepisyaryo mula sa mga bayan ng Reina Mercedes, Aurora, Cabagan, Sta Maria sa Isabela at Iguig, Cagayan ang nabigyan ng Livelihood Settlement Grants (LSG) and Community Grants sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Field Office II’s (DSWD FOII) Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program sa pakikipagtulungan ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Sa nasabing mga benepisyaryo, 211 pamilya ang nakatanggap ng LSG na nagkakahalaga ng P50,000 bawat isa na may kabuuang P10,550,000; habang ang natitirang 122 ay mga barangay na nakatanggap ng community grant na may kabuuang halaga na P37,500,000.

Ang LSG ay isang panimulang tulong pinansyal sa mga benepisyaryo ng pamilya upang tulungan silang maitatag ang kanilang mga pinagmumulan ng kita o kabuhayan.

Samantala, upang matulungan ang mga Local Government Units sa mga proyektong kailangan para sa pagpapaunlad o rehabilitasyon ng isang lugar upang magsilbing sapat na resettlement/relocation township, nagbigay din ng community grant bilang support mechanism.

Para sa taong ito, target ng KALAHI-CIDSS BP2 Program sa pakikipagtulungan ng SLP, na makapagbigay ng LSG sa mahigit 300 pamilya at Community Grants sa 14 na munisipalidad sa Rehiyon dos.

Ang BP2 ay isa sa mga hakbang sa suporta na naglalayong i-decongest ang mga komunidad ng maralitang lungsod kung saan naitala ang mataas na insidente ng COVID-19.

Ito ay magbibigay-daan sa mga benepisyaryo na nagpasya na bumalik sa kanilang bayan o resettlement areas na magkaroon ng pagkakataon na magsimula ng bagong buhay sa ilalim ng programa.

Facebook Comments