Mahigit 2,000 4Ps Beneficiaries sa Region 2, Fully Vaccinated kontra COVID-19

Cauayan City, Isabela- Mahigit 2,000 miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa region 2 ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Jeanet Lozano, ang DSWD Region 2 4Ps Information Officer, patuloy pa rin ang kanilang panghihikayat sa iba pang mga miyembro na magpabakuna upang maiwasan na magkaroon ng severe COVID-19.

Bagama’t sa nakalipas na survey na ginawa ng ahensya ay mayroon pa rin ang pag aalinlangan ng mga benepisyaryo sa patuloy na ginagawang pagbabakuna ng pamahalaan.


Aniya, mahigit 3,000 na health worker at frontliners na miyembro ng 4Ps ang mga naunang nakatanggap ng bakuna kung kaya’t isang paraan ito upang mahikayat pa ang iba pang benepisyaryo ng programa na tangkilikin ang bakunahan.

Dagdag pa ni Lozano, nagkaroon ng 20% increase sa kumpiyansa ng mga benepisyaryo ang nais ng magpabakuna kontra COVID-19.

Patuloy naman ang information drive campaign ng ahensya ngayong inaasahang madaragdagan pa ang maraming bilang ng miyembro ng 4Ps na magpapabakuna sa isasagawang 3-days National Vaccination Program.

Facebook Comments