Mahigit 2,000 doses ng bakuna, inaasahang darating sa NAIA ngayong araw

Inihayag ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mahigit dalawang daang libong doses ng bakuna ang inaasahang darating sa bansa ngayong araw.

Sa abiso ng MIAA Media Affairs Division may kabuuang 299,520 doses ng Pfizer vaccines na donasyon ng Estados Unidos ang nakatakdang dumating mamayang alas-9:05 ng gabi.

Ang mga naturang bakuna ay sakay ng Air Hong Kong flight LD 456 na lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.


Dadalhin ang mga bakuna sa storage facility sa Marikina City at ipamamahagi sa mga lugar na may kakulangan sa bakuna.

Facebook Comments