Mahigit 2,000 motorcycle riders, sinita at dinala sa police station dahil sa paglabag sa back-riding policy ayon sa JTF COVID Shield

Umaabot na sa 2,373 motorcycle riders ang sinita at dinala sa police station matapos na lumabag sa back-riding policy.

Sa ulat ni Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander Lieutenant Gen. Guillermo Eleazar, sa bilang ng mga nasita at dinala sa presinto, 2,278 ay walang installed barrier habang 95 motorcycle riders ay may installed barrier pero unauthorized back-riding at overloading passenger.

Ang bilang ng mga nasita at dinala sa presinto ay simula noong August 1, 2020 nang ipatupad ang back-riding policy matapos ang ilang linggong palugit sa motorcyle riders hanggang kahapon August 2, 2020.


Matatandaang dalawang design ang inaprubahan ng gobyerno para sa pag-i-install ng barrier, ito ay design ni Bohol Governor Arthur Yap at ng Angkas .

Hindi naman pinipilit ng JTF COVID Shield ang mga naka-motorsiklo na maglagay ng barrier pero dapat ay hindi rin sila mag-aangkas.

Facebook Comments