MAHIGIT 2,000 PANG GRADUATE STUDENTS, TUMANGGAP NG CASH GIFT

Karagdagang mahigit 2,000 na estudyante ang nakatanggap ng kanilang graduation cash gift mula sa lokal na pamahalaan ng Santiago.

Sa impormasyon mula sa City Government ng Santiago, may 2,001 na mag-aaral mula sa 19 na Early Childhood Care and Development (ECCD) ang tumanggap ng kanilang cash gift ngayong araw, Agosto 8, 2022.

Kabilang rito ang San Jose Integrated School, Sta. Rosa Elementary School, Bannawag Elementary School, Luna Elementary School, Balintocatoc Integrated School, Baluarte Elementary School, Sagana Elementary at National High School, Calaocan Elementary School, Nabbuan Elementary School, Mabini Elementary School.

Ang mga Child Development Center at Kindergarten completers ay nabigyan ng 400 pesos; ang mga Elementary graduates naman ay tumanggap ng 700 pesos; Junior High School Completers at Senior High School graduates ay maroon 1,100 pesos habang ang mga College Scholar graduates ay may 2,000 pesos kada isa.

Magugunita na may 1,557 ng estudyante ang nauna nang nakatanggap ng kanilang cash gifts noong Agosto, 4, 2022.

Inaasahang nasa 11,581 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang makakatanggap ng cash gift mula sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Ang nasabing pamamahagi ay magtatagal hanggang sa ika-11 ng Agosto na personal na dadaluhan ni Mayor Alyssa Sheena Tan.

Facebook Comments