Mahigit 20,000 Abono, Naipamahagi na sa mga Magsasaka sa buong Cagayan Valley

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 20,998 abono ang naipamahagi na ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) sa mga magsasaka sa buong lambak ng Cagayan.

Ito ay kinabibilangan ng 7,688 farmer beneficiaries sa labin-limang bayan ng Cagayan, Nueva Vizcaya at Isabela.

Ayon kay Dr. Marvin Luis, Regional Coordinator, Rice Program, ang fertilizer distribution ay kasalukuyang isinasagawa ng DA sa tulong ng mga Local Government Units (LGUs) at Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) sa ilalim ng Rice Resiliency Project (RRP).


Sa seed distribution naman, sinabi ni Luis na malapit na itong makumpleto.

Dagdag pa nito, mayroong nang naibigay sa Regular Hybrid Rice Program mula sa 36,072 ektarya sa 29,549 na magsasaka samantala sa Expanded Hybrid ay 33,385 ektarya na naipamahagi na sa 33,436 target beneficiaries.

Sa expanded inbred, umaabot naman sa 19,276 ektarya sa 20,000 target beneficiaries habang sa Rice Competitveness Enhancement Fund (RCEF) ay 175,161 mula sa 182,856 ektarya.

Ang RRP ay bahagi ng Plant, Plant, Plant Program o Ahon Lahat Pagkaing Sapat (ALPAS) kontra COVID 19 ng pamahalaan.

Mayroon itong tatlong sub-projects na kinabibilangan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Enhanced (RCEF-Enhanced), Expanded Inbred Rice Production (Beyond RCEF areas) at Expanded Hybrid Rice Production in Suitable Areas.

Ito ay naglalayong pataasin ang local rice production upang makamit ang food security sa Pilipinas.

Facebook Comments