Umaabot na sa 20,674 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Marce mula sa tatlong rehiyon sa bansa.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC), katumbas ito ng 7,233 pamilya mula sa Region 1 o Ilocos region, Region 2 o Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.
Mula sa nabanggit na bilang, 3,958 pamilya o katumbas ng 11,476 indibidwal ang kasalukuyang nasa iba’t ibang evacuation centers sa mga nabanggit na rehiyon.
Samantala, ilang kalsada na ang hindi madaanan ngayon ng mga light vehicles partikular sa Poblacion, Pagudpud at Pancian sa Adams, Ilocos Norte at Nakanmuan, Sabtang sa Batanes.
Mayroon din ilang kalsada sa Isabela at Apayao ang hindi naman passable sa lahat ng uri ng sasakyan.
Facebook Comments