Mahigit 20,000 motorista nakinabang sa bagong underpass sa Cebu City

 

Umani ng mga papuri ang Department of Public Works and Highway mula sa mahigit 20,000 motorista na nakinabang sa bagong N. Bacalso at  F. Llamas Underpass sa  Cebu City.

 

Ayon kay  DPWH Secretary Mark A. Villar, inireport sa kanya ni  DPWH Region 7 Director Edgar Tabacon na ang  P724-M  underpass ay napakalaking tulong  upang mabawasan ang matinding trapik sa lugar dahil noong hindi pa umano nagawa ang  proyekto talagang ma-traffic ang lugar dahil  maraming jeep anila ang humihinto para bumaba ang mga pasahero kaya ang ibang sasakyan ay nakatigil na sa daan lalo na kapag peak hours.

 

Paliwanag ni Villar, noong matapos na ang proyekto  hindi na masyadong matraffic gaya ng dati na bumper to bumper talaga ang mga sasakyan, dahil ngayon aniya ang mga private cars sa baba na dumadaan at ang PUJ sa itaas kaya malaking kaluwagn sa mga motorista ang naturang proyekto.


 

Nagpapasalamat din ang  kalihim sa mga taga-Cebu sa kanilang pang-unawa at pasensiya habang ginagawa ang naturang proyekto dahil sa kanilang nararanasang hirap.

Facebook Comments