Sta. Teresita, Cagayan – Malaki ang paniniwala ng pamunuan ng Sta. Teresita, Cagayan na mas hihigit pa sa 20K ngayong taon ang makikibahagi sa nalalapit sa 6th National Ecotourism Festival sa darating na March 7-11, 2018.
Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Hon. Mayor Lolita C. Garcia na karamihan sa mga dumadalo tuwing festival ng naturang bayan ay mula sa ibat ibang karatig na bayan, ibang probinsya ng region 2, mula sa manila, mga estudyante tulad ng UPLB at sa iba pang lugar dito sa bansa.
Ayon pa sa mayor malaki umano ang impact ng likas na yaman mayroon ang Sta. Teresita para sa mga turista lalo na ang kada taon nilang ipinapalabas na attraksyon sa bayan.
Ipinagmalaki pa ng mayora na ngayong festival ay itatampok ang Namunit Hills na isang green hills dahil sa maraming puno nito kumpara sa Chovolate Hills na kulay brown.
Sinabi pa ni Mayor Garcia na bawat taon ng festival ay may ipinagmamalaki ang bayan nito kung saan sa unang festival ay ang 54 caves, pangalawa ang Banggalao Lake na may 200 mahigit ektarya ang lawak, pangatlo ang Bird Watching kung saan naging habitat na umano ito ng ibat ibang species at tinawag na Bird Watching Destination; panglima ang Bakong Plants na ginagawang mamahaling tela, bag, lubid at iba pa mula sa himay nito.
Layunin umano ng festival na maipagpatuloy ang adbokasiya na conversation and preservation of environtment na batay din sa temang “Tanap, Turod ken Banbantay, Kinabaknang Ti Kinaparsuan, Ayaten Saluadan”.
Samantala sinigurado ni Mayor Garcia na masisiyahan ang lahat dahil punung-puno umano ng aktibidad ang nasabing festival na gagawin mismo sa campsite ng Sitio Banggalao ng Barangay Luga, Sta. Teresita.
Inaasahan sa 6th National Ecotourism Festival ang mga kilalang opisyal tulad ni Senator Cynthia Villar, Governor Many Mamba, Congressman Ramon C. Nolasco, mga empleyado at opisyal ng DTI at BFAR region 2.
Magsisismula ang festival sa isang Grand Opening Parade, susundan ng Mountain Climbing, LGU Booth Exibits, mga palaro tulad ng Carabao Racing, Spicy Leddeg Eating Contest, On the Spot Essay Writing Contest, Cave Photography, Fun Bike, Palo Sebo, Binnitikan ti Banga at Kadang-Kadang.
Kabilang din ang isang Seminar on Illegal Drugs, Diwata ng Kalikasan, Libreng Gupit, Street Dancing Contest, Rakit Display,Peace Maker Dance, Fireworks Display at Jake Cyrus Live sa huling araw ng naturang festival.