MANILA – Umaabot sa $22.2 billion ang hiling na humanitarian appeal ng United Nations para sa taong 2017.Ito’y para tulungan ang nasa 93 million na biktima ng karahasan at natural disasters.Ayon sa UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs – mahigit sa kalahati ng hinihinging pondo ay gagamitin sa mga biktima ng krisis sa Syria, Yemen, Iraq at South Sudan.Sinabi naman ni UN Humanitarian Chief Stephen O’brien, na-triple ang naturang pondo mula sa $7.9 billion noong 2011 dahil na rin sa mas lumalalang krisis sa buong mundo.Mahalaga ang naturang pondo para sa suportahan ang mga biktima ng karahasan at kalamidad para makapamuhay sila ng ligtas at nang may dignidad.
Facebook Comments