Mahigit 25,000 manggagawa, nawalan ng trabaho nitong Enero

Aabot sa 25,000 indibidwal ang permanenteng nawalan ng trabaho nitong Enero sa gitna ang COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na 25,226 na manggagawa mula sa 1,421 food establishment ang tuluyan nang nawalan ng trabaho noong nakaraang buwan.

Aniya, malaki ang maitutulong ng pagpapaluwag ng community quarantine para makabangon ang mga manggagawa.


Sakaling luwagan na ang quarantine restrictions, nasa 108,000 ang tuluyang makakabalik nang full-time sa kanilang trabaho.

“Meron pa rin po tayong mga tinatawag na workers under flexible work arrangement… Kapag lumuwag na ang ating ekonomiya, ito po ay mga 108,000 po ang maaring tuluyan na rin pong maging five days or six days a week at yung mga nasa temporary closure po ay maaari na ring makabalik,” aniya.

Una nang ipinanukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang three-month subsidy para sa mga manggagawa na nagkakahalaga ng P7,000 hanggang P11,000 kada buwan.

Nagkakahalaga ito ng kabuuang P62 billion hanggang P180 billion.

Sa ngayon, pending pa ang proposal sa lamesa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments