Umaabot sa 9,223 pamilya o 26,331 indibidwal ang naaapektuhan ng mga pag-ulan dulot ng Bagyong Dodong.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes, Hulyo 17.
Nagmula ang mga apektadong residente sa 92 barangay ng Region 1, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, at Region 6.
Habang pansamantalang sumisilong ang 217 pamilya o 849 indibidwal sa 23 evacuation centers sa nabanggit na mga rehiyon.
Samantala, isinasailalim pa sa berepikasyon ang isang naiulat na nasawi sa CALABARZON.
Sa ngayon, nasa 50 mga lugar pa sa Region 1, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, at Region 6 ang lubog pa rin sa baha kung saan may naitala ring 3 landslide sa Region 1 at MIMAROPA.
Facebook Comments