Mahigit 26,000 na mga bagong contact tracer, na-ideploy na ng DILG

Aabot sa 26,872 na mga contact tracer ang na-ideploy na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, 12,421 sa mga ito ay na-ideploy sa Luzon.

69% o 6,234 ang naipakalat sa Visayas at 62% o 8,217 naman ang naitalaga sa Mindanao kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Target ng DILG na makumpleto ang kinakailangang 50,000 contact tarcers bago matapos ang kasalukuyang buwan.

Sa ngayon ay mayroong 12,197 na aplikasyon ang pinoproseso ng iba’t-ibang field offices ng DILG.

Tinitiyak ng ahensya na lahat ng maha-hire ay qualified sa posisyon at nagpahayag ng commitment sa pinaigting na kampanya sa pagpapababa ng transmission ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments