Mahigit 2K face masks, nasabat ng mga otoridad sa Chinese establishment sa Makati City

Mahigit Dalawang libong facemasks ang nasabat ng mga tauhan ng Barangay Pio del Pilar, Makati City.

Ayon kay Barangay kagawad Dennis Pancipane, nagsagawa sila ng monitoring sa mga establishment sa Victoria Makati kung saan nakita nila ang isang Laundry shop na pagaari ng Chinese na nagbenta ng overpriced facemask.

Ayon kay Tiffany, 22 years old Chinese National na may ari ng laundry shop, Chinese to Chinese ang kanilang transaction sa pagbebenta ng facemask na nagkakahalaga ng 1,500 kada pack.


Kabuuang 41 packs ang nasabat ng Barangay officials na naglalaman ng 50 piraso bawat pakete o kabuuang 2,050 piraso na aabot sa halagang 60-thousand pesos

Facebook Comments