Mahigit 30 kabilang ang sasakyan ng senador, isang kongresista, 2 pulis at PBA player, nasita sa bus lane

Umaabot sa 32 kabilang ang sasakyan ng senador, isang kongresista, 2 pulis at PBA player ang nasita sa bus lane maging ang isang sasakyan na may diplomatic plate pero hindi tineketan dahil mayroong sakay na diplomatic.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Office in Charge (OIC) Special Operation Group-Strike Force Gabriel Go, wala silang sinanto kahit mga opisyal ng pamahalaan ay kanilang sinisita at tinekitan sa bus lane.

Paliwanag pa ni Go, matagal na nilang inaabisuhan ang mga motorista na bawal dumaan maging ang mga sasakyan ng gobyerno maliban na lamang sa convoy ng Presidente, Vice President, Senate Presidente, House Speaker at Chief Justice ng Korte Suprema ang pinapayagang dumaan sa bus lane.


Karamihan sa mga alibi o katwiran ng mga nasisita na dumaan sa bus lane ay nagmamadali umano sila gaya ng paliwanag ng isang PBA player na mahuhuli na umano siya sa kanyang praktis.

Facebook Comments