Mahigit 30 motorista sa EDSA at Commonwealth Avenue, natiketan sa Oplan Habol ng HPG

Muling nagbabala ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga motorista.

Ayon kay PNP-HPG-NCR Chief Police Colonel Wilson Doromal, marami na ngayon ang nakakalimot sa health protocol at hindi na sumusunod sa batas trapiko.

Dahil dito, kahapon sa maghapong Oplan Habol sa EDSA at Commonwealth, 31 mga motorista ang na-isyuhan nila ng ticket.


15 sa mga naka-motorsiklo ang natiketan dahil sa paglabag sa batas trapiko gaya ng pagdaan sa bike lane, 14 na mga sasakyan ang nahuling overloaded o sobra -sobra sa sakay na pasahero, 1 ang walang O.R./C.R. at 1 naman ang may bawal na motor accessories.

Tiniyak naman ni Doromal na maglulunsad pa sila ng mas maraming surpresang inspeksyon sa mga susunod na mga araw.

Facebook Comments