Ayon kay Dr. Carlos Cortina III, ang Provincial Health Officer, mas mataas ang kasong naitala ngayon sa lalawigan kumpara noong nakaraang taon ngunit hindi pa naman ito maikokonsiderang alarming o nakakabahala dahil nasa blue line lamang ito at wala pa ito sa tinatawag na epidemic.
Ilan naman sa tinitignang dahilan ng bahagyang pagtaas ng dengue cases ang paglabas ng mosquito-borne diseases, ibig sabihin kada tatlo hanggang limang taon ang paglabas ng naturang sakit kung kaya’t matatandaan na taong 2019 ay tumaas rin ang kaso ng mga tinamaan ng dengue.
Sa kabila nito, inatasan ng pamahalaang panlalawigan ang lahat ng LGUs na magsagawa ng 4S tulad ng “search and destroy” kung saan dapat huwag hayaan ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok; “self-protection” o ang paggamit ng insect repellant na lotion; “seek early treatment” o kapag may nararamdaman ay agad magpasuri sa RHUs; at ang huli ay “say no to fogging” dahil parang itinataboy lamang ang lamok na ang dapat ay pinapatay o sinusugpo ito.
Naniniwala naman si Cortina na pinakaimportante pa rin ang spraying sa mga pinamamahayan ng lamok.