Mga eligible na para sa boosters, muling hinikayat ni Rep. Loren Legarda na magpabakuna na

57

Kasunod ng babala ng ilang mga eksperto na posibleng magkaroon ulit ng COVID-19 surge sa bansa pagkatapos ng halalan ay nagpaalala si house deputy speaker Loren Legarda na magbakuna na ang mga pwede nang magpaturok ng booster doses.

Nauna nang pinayagan ng Department of Health ang pagbibigay ng pangalawang booster sa mga immunocompromised na nasa edad 18 pataas.

Sabi ni Legarda, bilang author at sponsor ng Better Normal Bill, patuloy niyang isinusulong ang panukalang batas na layong magkaroon ng komprehensibong paglalahad ng mga guidelines na susundin sa mga pampublikong lugar, opisina at paaralan upang mas mabilis na matalo ang COVID-19.


Paalala pa ni Legarda, responsibilidad pa rin ng gobyerno na magsagawa ng libreng pamamahagi ng face masks mga Pilipino.

Facebook Comments