Mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala

43

Umaabot na sa 276,289 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ito ay matapos madagdagan ng panibagong 3,375.

63,408 naman ang active cases habang 317 ang bagong gumaling.

Bunga nito, ang total recoveries na ay 208,096 habang 53 ang panibagong binawian ng buhay.

Bunga nito, ang total deaths sa bansa ay 4,785.

Bumaba naman ang mild cases sa 87.5% habang ang critical ay 2.7%.

Ang severe ay 1.1 % at ang asymptomatic ay 8.7%.




Samantala, apat na mga Pinoy ang panibagong binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

Bunga nito, pumalo na ang total deaths sa 777.

21 naman ang bagong kaso kaya ang total cases ngayon ay 10,360 mula sa 77 na mga bansa.

13 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries sa mga Pinoy sa abroad ay 6,580 at ang active cases ay 3,003.

Facebook Comments