MAHIGIT 3,000 BOTANTE, NAITALA SA SATELLITE VOTERS REGISTRATION SA URDANETA CITY SIMULA ENERO

Patuloy na umaarangkada ang Satellite Voters Registration sa iba’t-ibang lugar sa Urdaneta City bilang paghahanda ng mga lokal na opisina ng COMELEC sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.

Simula kahapon, dinala sa isang mall ang nasabing aktibidad na tinangkilik ng mga kabataan at residenteng magpaparehistro upang maging ganap na botante sa lungsod.

‎Ayon kay COMELEC Urdaneta Election Assistant Marvin Limos, una na nilang naisagawa ang aktibidad sa mga barangay at ipinagpapatuloy sa mga establisyimento upang mas maraming botante ang mairehistro at matulungan sa iba pang transaksyon.

Sa kasalukuyan. Umabot na sa 3,286 botante ang nairehistro simula Enero ngayong taon.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng tanggapan ang mga residente na samantalahin ang pagkakataon na makapagparehistro upang makaboto nang nararapat na maglilingkod sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments