Umabot na sa 30,262 na mga indibidwal ang sumailalim sa libreng mass swab testing para sa mga market vendors, mall workers, hotel employees at mga public transport drivers sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa huling tala ng Manila Health Department (MHD), nasa 63,821 naman ang kabuuang bilang ng mga na-swab test sa anim na district hospitals ng siyudad.
Pinangangasiwaan ito ng mga kawani ng MHD at ng anim na district hospitals ng siyudad sa mga testing centers sa mga palengke, malls at hotels.
Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, layunin ng libreng mass swab testing na mabigyan ng kapanatagan ang mga mamimili at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lungsod na nagtatrabaho na araw-araw.
Makatatanggap din ng food assistance ang mga pamilya ng mga empleyado, manininda o drayber na mag-popositibo sa naturang swab test.