Mahigit 4 na Milyong Halaga ng Donasyon, Ipinagkaloob sa PNP Region 2

*Cauayan City, Isabela- *Tinanggap ng pamunuan ng Police Regional Office No. 2 ang mahigit sa apat (4) na milyong pisong kagamitan bilang donasyon mula sa isang pribadong kumpanya na Island Pacific na nakabase sa United States of America matapos ang isinagawang turn-over ceremony.

Ilan sa mga tinanggap ng tanggapan ni PBGen. Angelito Casimiro ang isang (1) unit ng sasakyan, 96-unit ng Gasoline Generator, pitong (7) piraso ng Smart Satellite Phone, Computer sets with printer, Air-condition units, Search and Rescue Equipment’s, LED Televisions, Life Vest, Furniture and Fixtures, Solar Panels, Cellphones, PA System at iba pa.

Ayon kay Ginoong Anselmo Casimiro, ang mga nasabing donasyon ay bilang bahagi ng pagpapakita ng buong suporta sa pulisya upang mas mapaigting pa ang kaligtasan ng publiko.


Sinabi naman ni PBGen. Casimiro na ang mga donasyon ay malaking tulong upang mapagtibay pa ang pagbibigay ng serbisyo publiko.

* tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, *Police Regional Office No. 2, Anselmo Casimiro, PBGen. Angelito Casimiro, Cauayan City, Luzon

Facebook Comments