Inihayag ng pamunuan ng Cainta Rizal Government na umaabot sa 45 ang binabantayan nila ngayon dahil isa ang nakarekober base sa resulta ng huling isinagawang swabbing habang 13 ang nasawi, 30 naman ang narekober at 36 ang naka-home quarantine sa limang hospital sa apat na facility.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na nanatiling 88 pa rin ang kumpirmadong kaso ng positibo sa COVID-19 matapos maberepika ang mga pasyente sa Cainta, Rizal.
Paliwanag ni Mayor Nieto, tuluy-tuloy ang ginagawang paghihigpit sa lahat ng mga barangay sa Cainta, Rizal para matiyak na hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nagpopositibo ng COVID-19.
Giit ng alkalde, inatasan nito ang lahat ng mga barangay captain sa Cainta, Rizal na higpitan pa ang pagbabantay sa kani-kanilang mga barangay at tiyaking walang makapapasok na mayroong taglay na nakamamatay na virus.