MAHIGIT 400 KATAO, NAHATIRAN NG SERBISYONG MEDIKAL SA LUNGSOD NG ILAGAN

Cauayan City, Isabela- Umabot sa kabuuang 443 na indibidwal ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal sa isinasagawang Surgical Mission ng CVMC sa Lungsod ng Ilagan.

Panghuling araw na ngayon ng isinasagawang 3-day surgical mission sa Governor Faustino Dy, Sr. Memorial Hospital sa pangunguna ni Dr. Glenn Mathew G Baggao, Chief ng CVMC sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Kabilang sa mga inihatid na serbisyong medikal ang Operation Cleft Lip, Operation Cataract, Operation Bukol at ang traditional na Operation Tuli.

Pinalawig rin ng isa pang araw ang surgical mission para sa Ophthalmology at Ear, Nose, Throat o ENT services.

Nakiisa sa nasabing programa ang mga residente mula sa liblib na barangay ng City of Ilagan gaya ng Malalam, Manaring, Rang-ayan, Logung at Kayung-kayung ganun din sa iba’t ibang bayan gaya ng Gamu, Cabagan, Cabatuan, at Delfin Albano.

Facebook Comments