Cauayan City, Isabela- Ipinamahagi na sa mga hog raiser sa tatlong bayan sa Isabela ang mahigit sa P17-M na halaga ng indemnification pay matapos maapektuhan ang kanilang mga alagang baboy ng African Swine Fever (ASF).
Tinanggap ng mga magbababoy mula sa mga bayan ng Ramon, Gamu, at Burgos ang kabuuang P17.8 milyon nito lamang Disyembre 3, 2021.
Kaugnay nito, P6.1 milyon ang ipinamahagi sa 128 hog raiser matapos ang 1,220 na bilang ng baboy na isinailalim sa culling sa bayan ng Gamu; P6.5 milyon naman ang pinaghatian ng 181 na apektadong indibidwal dahil sa 1,211 na na-culled sa bayan ng Burgos at P5.8 milyon naman ang ipinamahagi sa 144 na magbababoy makaraang isailalim sa culling ang nasa kabuuang 1,166 na alagang baboy.
Matatandaan na nakaranas ng second wave ang Isabela dahil sa ASF na nagpatindi sa swine industry sa buong lambak ng Cagayan.