Mahigit 400 milyong pisong pondo para sa PSA, inilabas ng DBM

Ini-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P419 milyong pondo para sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, gagamitin ang pondo para pambayad sa registration officers na kinuha bilang Contract of Service Workers (COSW) para sa pagpapatupad ng Philippine Identification System (PhilSys).

Matatandaang noong March 7, 2023, pormal na humiling ang PSA para sa karagdagang cash allocation para sa COSW mula January hanggang March 2023.


Ayon kay Pangandaman, pinahahalagahan ng DBM ang sweldo ng mga government personal.

Importante kasi aniya sa buhay ng public servant ang sweldo.

Facebook Comments