Mahigit 400 munisipalidad sa bansa, hindi pa kaya ang full devolution ng ilang government function

Pinaaaral muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Executive Order No. 138 o ang full devolution o pagbaba ng ilang function ng national government sa local government.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman inamin kasi nang mahigit 450 mula sa mahigit isang libong local government units (LGUs) na wala pa silang kakayahang mangasiwa nang mga big ticket project.

Ito ay dahil sa kawalan nang kaalaman sa technical capacity at expertise sa pagpapatupad nang mga malalaking proyekto kahit pa may pondong nakalaan sa bawat proyekto.


Sa ilalim kasi kasi ng EO 138 ay binibigyan lamang nang hanggang 2024 ang mga LGU na pag-aralan at paghandaan ang Devolution Transitions Plans.

Ayon sa kalihim, pinatitignan ni Pangulong Marcos kung ano ang maaaring i-amyenda sa EO, upang ganap na maipatupad ang full devolution pagsapit ng 2024.

Maari naman aniyang palawigin pa kung hindi talaga kakayanin.

Facebook Comments