Taiwanese national, nakunan ng iba’t ibang armas sa condo unit sa Makati City

Iba’t ibang uri ng baril ang natagpuan ng mga pulis nang isilbi nito ang search warrant na inisyu ni Executive Judge Rico Sebastian Liwanag ng Office of the 3rd Vice Executive Judge ng Makati City.

Partikular na natunton ang mga armas sa condominium units sa Edades Tower, Rockwell Center, Brgy. Poblacion, Makati City.

Subject sa search warrant ang Taiwanese national na si Jiang Zhang Xiaodong, a.k.a Lu Ming Chung.


Nabawi mula sa kanyang condo unit ang 85 na firearms na kinabibilangan ng rifles, revolver, pistols, folding submachine gun, at iba pa.

Ang naturang Taiwanese ay kakasuhan ng illegal possession of firearms and ammunition.

Facebook Comments