Mahigit 40,000 hospital beds, kakailanganin pa ng bansa para sa COVID-19 pandemic

Mahigit 40,000 hospital beds pa ang kakailanganin ng bansa para sa laban kontra COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez nang matanong tungkol sa P4.5 bilyong budget sa konstruksyon ng mga isolation facilities.

Ayon kay Galvez, tinatayang 42,000 beds ang kinakailangan pa para ma-accommodate ang COVID-19 patients.


Aniya, sa ngayon, mayroong 7,000 available hospital beds sa National Capital Region (NCR).

“Kailangan po magkaroon tayo ng karagdagang hospital beds at saka po ‘yung quarantine, isolation facilities. Sa ano po namin, kailangan po natin lahat-lahat, tinataya po, kailangan po natin ng 42,000 beds para sa lahat po, kasi ang nakikita po natin, ang active cases noong aming pinag-aralan ay di po tumataas ng more than 60 and then ang kaniyang pinakamababa ay 43,000,” ayon kay Galvez

Una nang naglabas ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbabawal sa home quarantine para maiwasan ang pagkalat pa ng virus sa pamilya at sa komunidad.

Facebook Comments