Mahigit 5 libong bf ft ng mga illegal na troso nasabat sa bayan ng Magpet North Cotabato

Abot sa 5,032 na bd ft o katumbas ang 418 na piraso ng mga illegal na troso ang nasabat sa Sitio Intik, Brgy. Binay sa bayan ng Magpet, sa lalawigan ng North Cotabato.
Ayon sa pahayag ni MENRO Officer Erly Roque Baudi kumpirmado ang nakarating na ulat sa kanila dahill agad nilang tinungo ang lugar at tumambad sa kanila ang nasabing mga pinutol na kahoy.
Sa isinagawang pag-imbestiga ng MENRO nabatid na ang nasabing mga illegal cut logs ay pag-aari ni Jerry Dapan.
Sa salaysay ng may ari ng kahoy nakakuha umano siya ng permit para putulin ang mga puno ng Durian.
Ss ginawang pagsisiyasat ng MENRO sa dokumento hindi umano nakasaad sa inapla-yang permit ang puno ng Lawa-an na kasama sa mga nasabat na troso.
Ang mga nakumpiskang mga kahoy ay naka impound ngayon sa tanggapan ng MENRO Magpet.(Amer Sinsuat)
Sample illustration only.

Facebook Comments