Mahigit sa limampung estudyante ng Ramon Magsaysay High School ang nabakunahan ngayong araw.
Ito ay bahagi ng School-Based Immunization program ng Department of Health o DOH.
Sa aktibidad, dumalo sina Health Secretary Francisco Duque III at Manila Mayor Isko Moreno.
Ayon kay Duque, layon ng “Back to Bakuna, Una sa Lahat, Bakuna” programa na mapabakunahan ang mga mag-aaral sa mga pampublikong eskwelahan.
Ang libreng-bakuna ay laban sa tigdas at diphtheria.
Apela ng kalihim, maniwala sa bisa ng bakuna laban sa mga sakit.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Ramon Magsaysay High School na ang mga estudyante na kanilang pinabakunahan ay may permiso ng mga magulang o guardians ng mga bata.
May katibayan ng pahintulot ang mga estudyante na pirmado ng kanilang magulang o guardians.