Livelihood centers para sa mga senior citizens, isinusulong sa kamara

48

Gagawing aktibo muli ang mga senior citizens sa lipunan sa oras na maisabatas ang paglikha ng Senior Citizens Technology and Livelihood Centers sa lahat ng mga barangay sa bansa.

Sa House Bill #1347 na inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, maglalagay ng technology at livelihood centers sa bawat barangay na para lamang sa mga senior citizens.


Layunin ng panukala na ma-maximize ang kakayahan at mahikayat ang mga matatanda sa komunidad na mayroon pa rin silang magagawa para sa ikauunlad ng bansa.

Isang paraan din ito para kilalanin ang mga naiambag ng mga senior citizens sa kanilang mga productive years at bigyang pansin ang mga maaari pa rin nilang magawa sa kanilang mga lugar.

Tinitiyak naman ng panukala na ang teknolohiyang gagamitin at mga livelihood programs na malilikha para sa mga senior citizens ay akma para sa kanilang edad at kakayahan.

Binibigyang mandato ang DSWD na makipagugnayan sa mga LGUs upang makapaglagay ng Senior Citizens Technology and Livelihood Center sa lahat ng barangay sa buong bansa at siya ring bubuo ng guidelines para sa mga programa.

Facebook Comments

From Advertisers