
Umakyat na sa 517 na pamilya o 1,450 na indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa San Francisco Elementary School sa Quezon City ngayong araw dahil sa pananalasa ng Bagyong Uwan.
Isa ang naturang paaralan sa itinalagang dalawang evacuation centers ng Brgy. Del Monte.
Ayon kay Lance Acebo, SK Chairman ng Barangay Del Monte, karamihan sa mga inilikas na mga residente ay naninirahan sa West Riverside at Valencia St. mga kalsadang madalas bahain sa lungsod.
Dagdag pa niya, ilan sa mga nanatiling residente sa naturang evacuation center ay unti-unti nang nagsisiuwian upang i-check ang kondisyon ng kanilang mga bahay at maligo.
Samantala, nasa sa 99 na pamilya o 413 individual ang nananatili naman sa Dalupan Elementary School na isa rin sa mga evacuation center ng barangay.
Samantala, patuloy rin ang pagbibigay ng hot meals at iba pang humanitarian assistance ng Quezon City LGU sa mga evacuee na kasalukuyang nananatili sa dalawang evacuation center ng barangay.









