Baguio, Philippines – Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Cordillera ang clean up drive sa Bued River kasabay ng selebrasyon ng World Wetlands Day kung saan ay aabot sa mahigit anaim na libong kilong basura ang nakolekta na may katumbas na mahigit limang daang sako ng basura.
Ayon kay DENR Cordillera regional director Ralph Pablo ay kasunod din ito sa kasalukuyang isinasagawang clean up drive ng DENR sa Manila Bay.
Susunod namang tututukan ng departamento ang mga establisyemento na nag dadagdag ng basura sa ilog gaya ng mga piggery at iba pa.
Facebook Comments