Mahigit 500 – nahuling lumabag sa unang araw ng pagpapatupad ng Yellow Lane Policy ng MMDA sa EDSA

Manila, Philippines – Sa unang araw pa lang ng pagpapatupad ng yellow lane policy sa EDSA, nasa 585 na mga motorista agad ang nasita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa ilalim ng polisya, eksklusibo lang ang yellow lane sa mga bus, P2Ps, UVs, AUVs at ambulansya.

Pero ayon kay MMDA assistant General Manager For Planning Jojo Garcia, as of 12 noon, 70 private vehicles ang nahuling dumaan sa loob ng yellow lane.


Habang tatlumpu’t tatlong mga bus naman ang nasita dahil sa pagmamaneho sa labas ng yellow lane.

Ang natitirang 478 na mga violator naman ay nahuli sa ilalim ng “No Contact Apprehension Policy” ng MMDA.

Facebook Comments