Mahigit 5,000 indibidwal, gumaling sa COVID-19 – DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng higit 5,000 indibdwal na nakarekober sa COVID-19 sa buong bansa.

Sa inilabas na datos ng DOH, nasa 5,439 ang nadagdag sa mga gumaling sa nasabing virus kaya’t ang kabuuang bilang nito ay nasa 1,433,851.

Nakapagtala rin ng 5,411 na karagdagang kaso ng COVID-19 kung saan ang bilang ng aktibong kaso ay umabot sa 47,190.


Bukod dito, nasa 117 ang nadagdag sa bilang ng pumanaw kaya’t ang total nito ay nasa 26,714 na.

Kaugnay nito, umaabot na sa 1,507,755 ang naitalang kumpirmadogn kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Ayon pa sa pinakahuling ulat na nakuha ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 16, 2021 habang mayroong apat sa mga ito ang hindi nakapagsumite ng hawak nilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base naman sa datos na ipinasa sa DOH, ang kontribusyon ng apat na laboratoryo ay humigit kumulang 2.4% sa lahat ng samples na nasuri at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal sa nakaraang 14 na araw.

Facebook Comments