Cauayan City, Isabela- Pangungunahan ng DOLE Regional Office No.2 ang 88th Anniversary Regional Job and Trade Fair ng ahensya ngayong darating na ika-8 ng Disyembre, 2021.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng City Local Government Unit ng Santiago at Public Service Employment Office na gaganapin sa Integrated Terminal Complex, Malvar, Santiago City.
Sa nasabing job fair, mahigit 600 na trabaho ang maaaring aplayan.
Hinihikayat ang mga naghahanap ng trabaho na mag register sa link na docs.google.com/…/1FAIpQLScmglF9YwD…/viewform… <docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScmglF9YwDNP0VA6VA44hXAZ3wqfyeWnVdqFvtnF9gooGg4Ag/viewform?usp=sf_link&fbclid=IwAR2AIYQAFQBsj7a4E_ufDOYN__LyPcY6-fJWWUsQEJbY1sIIY26I1zG3CVU> at mag submit ng mga pangunahing impormasyon ganun din kung anong trabaho ang nais nilang pasukan.
Pinapayuhan din na magdala ng kanilang resume, application letter Ibibida rin sa naturang pagdiriwang ang iba’t-ibang produkto ng Cagayan Valley bilang pagsuporta sa mga lokal na negosyo.
Makikilahok din ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Statistics Authority (PSA), Bureau of Internal Revenue (BIR), Social Security System (SSS), Pag-Ibig, PhilHealth, Professional Regulation Commission (PRC), Philippine Postal Corporation, Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Trade and Industry (DTI) at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang mag-abot ng kanilang serbisyo para sa mga aplikante na mangangailangan ng karagdagang requirements sa nabanggit na job at trade fair.
Hinimok naman nina Regional Director Joel M. Gonzales at Assistant Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr. ang mga lalahok na aplikante na samantalahin ang nasabing buong araw na aktibidad para sa mas malaking tyansa na makahanap ng trabaho.
Samantala, kasabay ng isasagawang Job and Trade Fair ay magkakaroon din ng product display na gawa ng mga MSME’s sa probinsya bilang pagsuporta sa kanilang negosyo at sa ating local products.