Mahigit 68 na libong mga sanggol sa Metro Manila, nabakunahan na rin kontra sa iba’t ibang sakit

Naabot na ng Department of Health (DOH) – Metro Manila Center for Health and Development ang mahigit kalahati o 50% ng target na populasyon ng mga sanggol sa Metro Manila na nabakunahan kontra sa iba’t ibang sakit.

Ito’y matapos ilunsad ng DOH ang Vax-Baby-Vax program na layuning bakunahan ang mga sanggol na nasa edad 0 hanggang 23 araw laban sa iba’t ibang sakit tulad ng polio, rubella, measles, at iba pa.

Mula nang ilunsad ang Routine Catch-up Immunization noong isang linggo, pumalo na sa 68,773 o 50.18 percent mula sa kabuuang target population na 137,047 na mga sanggol ang nabakunahan sa buong Metro Manila.


Kasunod niyan, patuloy ang panawagan ng DOH-National Capital Region (NCR) sa mga magulang na makiisa sa kampanyang ito upang mailayo ang mga sanggol sa mga pamanganib na karamdaman na kadalasang nagreresulta sa kamatayan.

Facebook Comments