PINOY NA TUBONG LA UNION, KAMPEON SA LARANGAN NG BOXING

Itinanghal bilang Junior Welterweight Champion via unanimous decision si John Lawrence “The Equalizer” Ordonio sa nakalipas niyang laban sa Etihad Arena sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) nitong nakaraang Linggo.
Tinalo ni “The Equalizer” ang dating “unbeaten boxing champ” na si Majid Al Naqbi mula sa UAE sa four-round fight kung saan naitala ang 40-36 (x2) at 39-37 na pabor lahat sa ating kampeonato.
Si Ordonio ay 25 taong gulang at isa ring public servant sa Office of Public Safety, City Hall, San Fernando, La Union.

Samantala, ikinararangal hindi lamang ng lungsod, kundi pati na rin ng buong bansa ang nasabing kampeon sa kanyang ipinamalas na lakas at determinasyon sa larangan ng isports. |ifmnews
Facebook Comments