Mahigit 70 kilo ng meat products na galing ibang bansa, nasabat sa Clark International Airport

Umabot na sa mahigit pitompung (70) kilo ng pork, poultry at beef products ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs at Bureau of Animal and Industry sa Clark International Airport.

Ayon sa ulat ng BAI, mula Dec. 1, 2018 hanggang January 8, 2019, umabot sa 31.5 kilograms ng pork products, 18.5 kilos ng beef products at 22.3 kilograms ng poultry products ang kanilang nakumpiska.

Kaugnay pa rin ito ng paghihigpit na ginagawa ng BAI sa pagpasok sa bansa ng mga pork products dahil sa African swine fever outbreak sa ibang mga bansa.


Ang mga pasaherong nakuhanan ng mga nasabat na produkto ay galing sa South Africa, Hong Kong, Taiwan, Macau, Spain at USA.

Ang mga nakumpiskang karne ay susunugin para masigurong hindi na mailalabas sa merkado.

Facebook Comments