Mahigit 70 libong pamilya sa Mindanao apektado ng El Niño

Dahil sa matinding  init ng panahon na nararanasan sa bansa, umabot na sa 71, 909 pamilya o katumbas ng mahigit 359, 545 na indibidwal ang naapektuhan sa South Central  Mindanao.

 

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

 

Sa kanilang monitoring naitala ang mga apektadong pamilyang ito sa limang bayan sa North Cotabato.


 

Ito ay mga bayan ng Alamada, Aleosan, Kabacan, Pigkawayan at Pikit.

 

May inilaan namang pondo ang pamahalaan para itulong sa mga naapektuhan ng El nino.

 

Sa impormasyon ng NDRRMC   mayroong 1.2 bilyong pisong pondo ang Dept of Social welfare and development o DSWD para sa mga ito.

 

147.3 milyong piso dito ay standby funds para sa DSWD central office, Concerned Field office at National resource operation center.

 

390,294 hanggang 139 million pesos ay pra sa mga ipamamahaging mga family food packs at 929 million pesos para sa food at non food items.

Facebook Comments