Pagadian City, Zamboanga del Sur—-Sa 618 na barangay sa lalawigan ng Zamboanga del Sur , pitumpu’t apat nito ang inirekomendang drug free ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office na kasalukuyang isinailalim ngayon sa masusing pagsusuri.
Sa panayam ng RMN-DXPR Pagadian kay Police Provincial Director Pssupt. Allan Nazarro , umaasa ito na bago paman matapos ang buwan kilalanin na ng Regional Oversight Committee na drug cleared na ang mahigit pitong pung barangay ng probinsya habang lima dito nagmula sa lungsod ng pagadian.
Aniya, wala umano silang namonitor na big time drug pusher sa lalawigan, ngunit umaasa parin si Nazarro na sa tulong ng mamamayan sa mga programa ng Barangay Anti- Drug Abuse Council sa nagpapatuloy na war on drugs malilinis na rin ang ibang mga Barangay na seryoso sa kanilang kampanya.
Umaasa ito na sa susunod pang mga buwan, marami pang susunod na mga Barangay ang madedeklarang drug free na sa lalawigan ng Zamboanga del Sur. (Kenneth Bustamante-dxpr News Team)
Mahigit 70 mga Barangay sa Lalawigan ng Zamboanga del Sur, inirekomenda na Drug Free na
Facebook Comments