Mahigit 700 na Aftershocks naitala ng OCD matapos ng pagyanig ng 6.3 na lindol sa Mindanao

General Santos City- Umabot na sa mahigit 700 ang naitalang aftershocks kasunod ng Magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao, ito ang kinumperma ni OCD 12 Assistant Regional Director Jerome Barranco.

Sa 700 na pagyanig 40 dito ay felt o naramdaman ng mga tao, pinakamalakas ay naramdaman sa Koronadal city noong Linggo na umabot sa intensity 5.

Base sa record ng OCD nasa 4, 100 na pamilya ang apektado sa pagyanig, aabot naman ng mahigit 2600 na kabahayan ang nasira, 2,325 dito ay partially damage habang 367 ang totally damage.


60 infra project ang nasira habang aabot ng 206 na eskwelahan ang nagkaroon din ng sira matapos ng pagyanig.

Ayon naman kay Nane Danlag ng Phivolcs Gensan, posibleng tumagal ng isang linggo o isang buwan ang mga after shock matapos ang pagyanig ng 6.3 na lindol. Normal lang umano ito dahil hindi pa stable ang lupa matapos ng malakas na pagyanig noong Myerkules ng gabi.

Facebook Comments