Karamihan sa 752 na nagsipagtapos sa ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM sa ikalawang distrito ng North Cotabato ay Out -of-School Youth.
Ang mga ito ay nagmula sa mga bayan ng President Roxas, Antipas, Arakan, Makilala at Magpet.
Tinanggap ng mga nagsipagtapos ang kanilang diploma at certificates sa ginanap na Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency graduation ceremony sa Municipal Gymnasium, Brgy Poblacion, President Roxas.
Ang ALS ay learning system na nagbibigay ng practical option sa umiiral na formal instruction.
Nagsisilbi ang ALS bilang alternate o substitute kung ang indibidwal ay hindi kayang maka-access sa formal education sa mga paaralan.
Binigyang diin naman ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza, na nagsilbing Guest Speaker sa okasyon ang kahalagahan ng edukasyon sa kabataan.
Mahigit 700 nagtapos sa ALS sa North Cotabato!
Facebook Comments