Mahigit sa 69 milyong indibidwal na sa bansa ang nabakunahan kontra COVID-19.
Ito ay katumbas ng 77.20% ng target na populasyon sa bansa.
14.3 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Habang 6.7 milyong senior citizens o 77.33% ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na magpabakuna na ngayong natapos na ang halalan.
Facebook Comments