3 KALALAKIHAN, TIMBOG SA DRUG BUY BUST OPERATION NG PDEA AT PNP

31
Cauayan City, Isabela- Arestado ang tatlong kalalakihan matapos magpositibo sa ikinasang drug buy bust operation ng PDEA at PNP San Mateo, Isabela partikular sa Brgy. 3 ng nasabing bayan.

Sa ibinahaging impormasyon ng San Mateo Police Station, kinilala ang mga nahuli na sina Vincent Nicolo Lachica, dalawamput tatlong taong gulang at ang magkapatid na sina Amante Fausto, 57 taong gulang at Arnel Fausto, 58 years old na pawang residente sa nabanggit na barangay.

Nakuha mula sa pag-iingat ng mga suspek ang pitong (7) pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy bust money, dalawang unit ng cellphone at assorted drug paraphernalia.

Sinampahan naman ngayong araw sa pamamagitan ng inquest proceedings ang tatlong suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at hinihintay na lamang ang kanilang commitment order para maipasakamay sa BJMP.

Facebook Comments